bebeangelica:
May mga bagay talaga tayong kinatatakutan when it comes to reaching our goals in life. Here are some:
Wala naman sigurong masama kung susubukan mo, ‘di ba? Okay na yung nag-fail ka sa pag-try mo kasi, at least, natututunan mo nang i-control yung fear mo. Kung hindi ka magta-try, baka pagsisihan mo rin yun sa future. Marami ring tao ang nagsisisi dahil may mga bagay silang hindi nagawa nung may pagkakataon na para gawin nila yun. It’s better to try than never.
- Natatakot sa kung anong sasabihin ng ibang tao.
Marami talagang tao ang ici-criticize ka. Nasa iyo na yun kung pakikinggan mo sila o hindi. S’yempre, dapat alam mo sa sarili mo na nagpapaka-totoo ka lang. Kapag ganun kasi, pwede mo nang hayaan yung ibang tao na paniwalaan yung kung anong tama para sa kanila.Doonmo malalaman kung sino nga ba talaga sa mga kaibigan mo yung sinusuportahan ka talaga.
- Natatakot na baka may mas magaling sa ‘yo.
‘Wag mong gawing kompetisyon ang buhay kasi hindi naman talaga. It’s about making new friends and learning together. Dapet e ine-enjoy mo lang ang buhay kesa nakikipag-kompetisyon ka. Hindi mo na kailangang makipag-kompetensya sa pagiging “the best” kasi hindi naman importante yun. Mas mahalaga e yung nag-enjoy ka at naging masaya!
Ilan lang ‘yang mga fears na ‘yan. Marami pa, actually. Pero hindi ko na ie-enumerate lahat. Magtiwala ka lang kay God at, s’yempre sa sarili mo… Siguradong maa-achieve mo yung goals mo sa buhay!
Ayun! Just wanna share these to you, guys. Na-inspire din kasi ako ng TG. =)
(via goodgirldawsiangel)